In my one year of being a licensed physician, moonlighting in different hospitals and clinics, I think I've had a fair share of funny and sometimes irritating incidents with "pasaway" patients. In memory of these people who've taught me a lot of things about the art of medicine which I wouldn't be able to learn in the four walls of my medical school, I recount these various tales (in no particular order of quirkiness):
1) Patient comes in at HMO clinic. Female, around late 20's.
Me: Good morning. Ano po ikokonsulta?
Patient: Wala po.
Me: Ano po ibig n'yo sabihin?
Patient: Wala po akong sakit.
Me: Scheduled po ba for follow-up consult?
Patient: No.
Me: Ano po sadya nyo?
Patient: Gusto ko po magpa-test.
Me: For what?
Patient: Lahat!
Me: Ah, wait. Ang ibig n'yo ba sabihin 'yung mga routine na exams. Chest xray? CBC? Urinalysis? Fecalysis? Nakapagpa-annual PE na po ba kayo?
Patient: Uh. 'Yun yata ang tawag doon. Basta 'yung may mga laboratory tests.
Me: Ok.
2) 65-year old female comes in at HMO clinic. Conscious, coherent, and ambulatory. Definitely not in cardiorespiratory distress.
Me: Ano po ipapa-checkup?
Patient: Magpapareseta lang po sana ng pampadulas
Me: Ano po? Para saan po?
Patient: Kapag ginagamit ako ni Mister. Medyo parang dry kasi eh. Si Mister pa naman gusto gabi-gabi.
Me: Ah, ganun ho ba. Ilan taon na po ba si Mister?
Patient: 68 po.
Me: Puede po kayong gumamit ng lubricating jelly.
Patient: Ano po ba 'yung mahusay? Baka ho kasi magka-UTI ako. Mas lalo ho masakit kapag may ganun eh.
3) Mother with 7-year old daughter comes in at HMO clinic. The daughter has swollen ears and face and full of rashes.
Me: Ano nangyari sa kanya?
Mother: Paggising po namin ganyan na siya and nangangati na katawan niya.
Me: Mukhang allergy 'yan. Sa'n ho ba siya may allergy?
Mother: Indi ko po alam. Pero nangyari na sa kanya 'yung ganyan dati. Kaya lang hindi naman po namaga ang mukha at tenga.
Me: (Auscultating patient) Eh, dapat ho sa emergency room kayo kaagad nagpunta. Buti na lang hindi siya nahihirapan huminga. Kailangan siya maipa-admit.
Mother: Indi ko po kasi alam kung saan mga accredited na ospital. Kaya dito ko dinala.
Me: Hay naku, eh paano kung emergency 'to talaga, dito mo pa dinala...nasa brochure ho na kasama ng health card ninyo 'yung listahan ng mga accredited hospitals, pati provincial list po nandoon.
Mother: Indi ko po kasi natingnan.
Me: Anyway, eto 'yung listahan ng mga hospitals. Magdecide po kayo kung saan nyo gusto siya ipa-admit. Bigyan ko muna siya ng pang-anti-allergy at itatawag ko na sa pediatrician.
4) 40-something female comes in at HMO clinic. Conscious, coherent, not in cardiorespiratory distress. (Eto winner 'to...)
Patient: Gusto ko po magpa-admit.
Me: Parang dapat po sa hospital na po kayo nagpunta. Ano po ba nararamdaman ninyo?
Patient: Inuubo kasi ako dati kaso indi ako nakapagpagamot agad kasi ang dami kong inaasikaso sa bahay. Nilalagnat din ako ngayon kaya gusto ko din magpaadmit kasi indi ako makakapagpahinga sa bahay. Mabibinat lang ako kasi ang daming trabaho sa bahay. Kaya gusto ko sa hospital na magpahinga.
Me: (After checking the reading in the thermometer) Ala naman po kayong lagnat. Mag-run po muna tayo ng mga laboratory tests and chest x-ray.
(After the tests were done...)
Me: Normal naman po lahat ng mga tests ninyo...chest x-ray, cbc with platelet count...except urinalysis. May UTI po kayo pero mild lang. Puede naman pong i-treat as outpatient lang.
Patient: Gusto ko pa din magpa-admit. Sayang naman 'yung health card ko eh. And pakiramdam ko magkakasakit ako lalo sa bahay.
Me: Dalhin n'yo na lang po 'tong mga lab tests sa hospital kung saan po ninyo gusto magpa-admit.
(After 5 days...)
Me: Kamusta na po? Akala ko po nagpa-admit kayo sa hospital?
Patient: Nagpaadmit pero kasi nagpa-discharge against medical advice ako kasi walang nag-aalaga sa tatay ko sa bahay. Katulong lang ang nandoon kaya lumabas muna ako ng ospital at naghanap ng puede mag-alaga. Hindi po marunong magluto 'yung katulong sa bahay. Ngayon po gusto ko na magpaadmit ulit pero hinihingan ako ng referral letter mula dito sa clinic.
Me: Okay, mag-run ulit tayo ng tests.
(After several minutes...)
Me: Normal naman po mga tests ninyo. Pati urinalysis. Wala pong medical indication for hospital admission. May mga binigay naman pong home medications sa inyo bago kayo na-discharge sa hospital?
Patient: Meron. Kaya lang mas gusto ko sa hospital. Lalo ako magkakasakit sa bahay...
(Comment: Wala na akong magawa sa makulit na pasyente na ito. Inirefer ko na sa Clinic Director. Hehe. Sus, gawin ba namang hotel ang hospital na puede siyang mag-check in kapag ayaw na niya sa bahay?!?!)
to be continued...
Thursday, October 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment